CCG NAGSAGAWA NG EMERGENCY DRILL SA PANATAG SHOAL

NAGSAGAWA ng emergency drill ang China Coast Guard, isang araw bago nakatakdang dumating ang Filipino civilian convoy sa Panatag Shoal para maghatid ng mga supply sa lokal na mga mangingisda.

Ayon sa ulat, ipinakita ng video mula sa Chinese TV station na CCTV mula sa Reuters, ang crewmen ng CCG na nagdaraos ng emergency drills sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal.

Bahagi ng drill na subukan ang kahandaan ng CCG sa isang simulated rescue sa isang tao mula sa tubig.

Inilabas ang footage bago ang itinakdang iskedyul na civilian mission ng grupong Atin Ito sa Panatag Shoal.

Ang pakay ng civilian mission ay upang patunayan na ang katubigan ng Panatag Shoal ay bahagi ng EEZ ng bansa.

Sinabi ng grupo na maglalagay rin sila ng buoys at magbibigay ng suplay sa lokal na mga mangingisda.

Sa press conference, sinabi ng Atin Ito na dapat i-normalize at i-regularize ng Pilipinas ang access sa West Philippine Sea.

Sa satellite image mula kay maritime expert Ray Powell, ang bilang ng Chinese vessels sa Panatag Shoal ay nadagdagan.

Sa kabila ng presensya ng China, sinabi ng Atin Ito na hindi sila mapipigilan sa kanilang mapayapang misyon.

Sinabi ng grupo na ang kaligtasan ang kanilang pangunahing prayoridad at hindi sila pupunta sa lugar para mag-provoke ng water cannon attack.

Sinabi ng Atin Ito na malinaw ang kanilang bottom lines at layunin, at pinananatili nila ang koordinasyon at linya ng komunikasyon kaya kung sakaling may mangyari, handa sila sa mga posibleng tugon.

Samantala, ang kauna-unahang space dialogue sa pagitan ng Pilipinas at US ay nagpapatuloy upang palakasin ang kooperasyong sa mga usapin sa civil space at ang paggamit ng espasyo sa maritime domain awareness. (JOCELYN DOMENDEN)

24

Related posts

Leave a Comment