2 DALAGITA NAAKTUHANG NAKIKIPAGTALIK SA ISANG VIDEOKE BAR

(Ni CHE ALMADIN)

Nasagip ang dalawang menor de edad na babae na nahuling nakikipagtalik sa isinagawang raid sa isang videoke bar ng mga tauhan ng Navotas City Police Maritime Group sa Lungsod ng Navotas City Fish Port kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Navotas Maritime Police Station chief Supt. Marlon Camatoy, ganap umanong alas 11:00 ng gabi nang magsagawa ng raid ang mga tauhan ng nasabing himpilan sa pamumuno ni PInsp. Ferdinand Hermoso sa La Cebuana Videoke Bar sa Market II.

Na-rescue rito ang dalawang dalagitang nasa edad 16 at 17 na naaktuhang nakikipagtalik sa mga customers sa VIP rooms ng bar.

Dalawa pang kababaihang nasa edad 18 at 26 anyos ang nasagip.

Agad namang naaresto ang dalawang manager umano ng bar na sina Rowena Catipay, 48 anyos at pamangkin nitong si Erwin Duron, habang ang sinasabi namang may-ari ng bar na si Pastora Duron ay mabilis na nakatakas.

Ayon kay SPO2 Divina Garo, may hawak ng kaso ay nakatanggap umano sila ng tip na may prostitusyon sa nasabing bar at mga menor de edad umano ang mga sex workers.

Doon na sila nagsagawa ng surveillance operation. Nagpanggap umanong parokyano ang kanilang informant at inalok ito doon ng sex kapalit ng P1,000.

Nang mag-positibo ang tip ay doon na sinalakay ng mga awtoridad ang bar na napag-alamang nakarehistro bilang restaurant.

Sa ngayon ay tinutugis ang may-ari ng bar habang nakapiit na rin sa Navotas detention cell ang mga managers na nahaharap sa kasong RA 10364 o Expanded Anti Trafficking in Persons Act.

19

Related posts

Leave a Comment