2-DAY MEGA JOB FAIR SA MAYNILA

INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna na magsasagawa ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng dalawang araw na ‘Mega Job Fair’ sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni Fernan Bermejo.

Gagawin ang job fair sa Robinsons Manila, Level 1, Midtown Atrium ngayong Huwebes hanggang Biyernes (February 23-24).

Libo-libong trabaho ang naghihintay sa mga interesado at ito ay gagawin mula alas-dose ng tanghali hanggang alas-6 ng gabi katuwang ang Department of Labor and Employment – National Capital Region at ng DOLE-NCR Manila Field Office.

Pinayuhan ni Lacuna ang lahat ng interesado na magsuot ng casual attire, magdala ng sariling ballpen, 10 kopya ng resume at sumunod sa basic health protocols.

Ibinilin din ni Lacuna sa mga aplikante na iwasan ang magpunta sa job fair nang walang laman ang tiyan upang matiyak na masasagot nila nang tama ang interview.

Ang job fair ay bukas sa high school graduates, college level, college at tech/voc graduates.

Nauna nang nanawagan si Secretary of the Interior and local Government Atty. Benhur Abalos sa mga LGU na magtatag ng Public Employment Service Offices.

“Public Employment Service Offices (PESOs) must be institutionalized and established in every local government unit nationwide to sustain the Marcos administration gains in the economy that grew by 5.6 % in the last quarter of 2023,” ani Abalos.

Susog naman ni Labor secretary Benny Laguesma, “Let us continue to work hand in hand as partners in progress serving and striving towards our common goal of achieving 100 percent fully institutionalized PESOs nationwide”.

(JESSE KABEL RUIZ)

38

Related posts

Leave a Comment