200K PABUYA SA KILLER NG SUPPORTER NI MAYOR ORETA

(Ni CHE ALMADIN)

Nagbigay kahapon ng P200,000 reward si Malabon City Mayor Antolin “Lenlen”  Oreta III sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon ukol sa kinaroonan ng suspek  sa pagpatay sa kagawad at kilalang supporter ng alkalde.

Si Rodrigo Tambo , na number1 kagawad sa kanilang barangay at kilala supporter at political leader ni Oreta ay piangbabaril  ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin na dahilan ng ikinamatay nito.

Naganap umano ang pamamaril habang nakikipag usap pa umano ang biktima  sa isang barangay tanod na si Lawrence Margalio na masuwerteng nakatakbo.

Sa ngayon ay wala pang maisip na posibleng motibo sa pagpatay ang mga kaanak ng biktima dahil mabait naman umano ito at naging kaaway sa kanilang lugar.

Bagama´t  paniwala  naman ng ilang kaibigan  ng biktima na  posibleng politicallly motivated ang nangyaring pagpatay sa biktima.

Limang taon na umano itong aktibong leader ng Arya Pogresibo na isang local organization na sumusuporta sa kasalukuyang administrasyon ng lungsod.

Patuloy pa ang follow up Investigation ng pulisya sa kaso.

5

Related posts

Leave a Comment