INUMAN NAUWI SA PATAYAN

(Ni CHE ALMADIN)

Nauwi sa madugong eksena ang isang inuman ng magkakaibigan matapos na magkapikunan sa kanilang debate kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Navotas.

Sa ulat ng Navotas City Police -Homicide Section , alas – 7:00 pasado ng gabi nang  maganap ang insidente sa kahabaan ng Monroy Street, Barangay Navotas West ng nasabing lungsod.

Nagkakayayaan  umanong mag inuman ang biktimang si Sandy Ramos, 35 anyos, pedicab driver at kaibigan nitong  suspek si Tom Joshua Macahilig, binata, nasa hustong gulang ng nasabi ring lugar.

Sa kalagitnaan ng kanilang inuman ay nagkaroon ng debate ang dalawa na nauwi sa pikunan hanggang sa naghamunan ng away ang dalawa.

Dito bumunot na ng patalim si Macahilig at walang dalawang isip na ininyan ng saksak sa dibdib ang biktima na  agarang ikinasawi nito.

Mabilis na tumakas ang suspek bitbit pa rin ang ginamit na patalim.

Target ngayon ng manhunt operation ng pulisya ang suspek na nahaharap sa  kasong  Homicide.

 

6

Related posts

Leave a Comment