233 OPEN DUMPSITES IPINASARA NG DENR

UMAABOT pa sa 233 nakaladlad na imbakan ng mga basura ang pinasasaraduhan ni Environment Secretary Roy Cimatu.

Sa Marso ng kasalukuyang taon ang palugit na ibinigay ni Cimatu sa pagpapasara ng 233 imbakan ng mga basura na lantarang nakabuyangyang.

Si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary for Solid Waste Management Benny Antiporda ang nakatoka sa trabahong ito.

Lubos na naniniwala si Cimatu na natutupad at matatapos ni Antiporda ang trabaho nito dahil nasimulan na ng opisyal ang pagpapasara ng open dumpsites sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Ang utos ni Cimatu ay nakabatay sa patuloy na pagpapatupad ng Republic Act 9003, ang Ecological Solid Waste Management Act.

Nakasaad sa RA 9003 na: “no open dumps shall be established and operated, nor any practice or disposal of solid waste by any person, including LGU (local government units), which constitutes the use of open dumps for solid wastes, is allowed”.

Noong 2017, mayroong 385 pang mga bukas na tapunan ng mga basura sa maraming bahagi ng bansa, batay sa rekord ng DENR.

Delikado sa kalusugan at nakasisira ng kalikasan ang mga basurahang bukas, kaya wasto ang ginagawa ng DENR laban sa mga ito. (NELSON S. BADILLA)

 

166

Related posts

Leave a Comment