Magmamanipula sa presyo P100-M MULTA VS TRADERS, WHOLESALERS

NAGBABALA si Agriculture Secretary William Dar sa mga walang prinsipyong traders at wholesalers na umano’y nagmamanipula ng presyo ng pangunahing mga pagkain, partikular ang karne ng baboy at manok sa bansa.

Ang aktibidad ng nasabing mga negosyante ay mino-monitor sa kasalukuyan ng government task force at kung mapatutunayang nagkasala ay mahaharap sa kaukulang multa sa ilalim ng umiiral na mga batas.

Ang babala ay laban sa “opportunistic” traders at wholesalers na nagsasamantala sa kakapusan ng supply ng baboy dahilan ng pagtaas ng presyo nito.

Kung mapatutunayang nagkasala o guilty, ay maaaring silang pagmultahin ng P100 million pataas.

“We admit that we have a limited population of hogs in Central Luzon due to the African Swine Fever or ASF since the early part of 2019, but traders and wholesalers are causing the spike in the prices of pork. They are making a large profit margin of more than P200 per kilo, between the farmgate price of live hogs and the retail price of pork in public markets. Talagang sobra ang kita nila,” dagdag pa ni Secretary Dar.

“All evidence point against them, as production cost of hogs, ranges only from P105 to P150 per kilo, and the resulting farmgate price of up to P200 per kilo, while market retail prices go as high P400 per kilo. That’s a huge P200-profit margin,” pahayag pa niya.

Para mapigilan ang pagsipa pa ng retail prices ng baboy at manok, inirekomenda ng DA kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magpatupad ng price freeze sa nasabing food items, sa P270/kg para sa kasim at pigue, P300/kg sa liempo, at P160/kg sa chicken meat.

Samantala, hiniling ng DA ang tulong mula sa Philippine Competition Commission (PCC) para imbestigahan ang traders at wholesalers na pinaghihinalaang nagmamanipula ng supply at presyo ng basic food items. (JOEL O. AMONGO)

38

Related posts

Leave a Comment