510 ILLEGAL ALIENS HULI SA BI NOONG 2020

AABOT sa 510 dayuhan ang nahuli ng intelligence operatives ng Bureau of Immigration (BI), na pawang lumabag sa Philippine Immigration Laws.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang nasabing mga dayuhan ay naaresto sa enforcement operations na isinagawa ng mga ahente mula BI’s Intelligence Division sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sinabi ni Morente, kabilang dito ang maramihang pagkaaresto sa Chinese nationals matapos maaktuhan ang mga ito sa illegal online gaming at cybercrime activities.

Subalit, ayon sa BI chief, ang bilang ng illegal aliens na naaresto noong nakaraang taon ay mas mababa ng mahigit sa 2,000 foreigners na nahuli ng mga ahente ng BI noong 2019.

“Because of the pandemic and community quarantines imposed, there was a decrease in the movement of aliens. A lot of foreign nationals also joined repatriation flights back to their home countries,” dagdag niya.

Ayon kay BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr., ang arestadong 332 Chinese nationals ay nahuli sa Tarlac noong Disyembre dahil sa ilegal na pagtatrabaho sa bansa at sangkot sa cybercrimes.

Tinukoy rin ni Manahan ang naarestong 14 Indian nationals sa General Santos City noong Pebrero 4 at 30, 2020, at sa Quezon City noong Marso, 2020 dahil sa pagiging overstaying sa bansa at walang kaukulang mga dokumento.

Arestado naman sa dalawang operasyon noong Pebrero at Marso, 2020 ang 14 South Korean at 2 Vietnamese dahil walang permits at sangkot sa unauthorized business activities.

Matatandaan, ang mga ahente ng BI ay tinulungan ng military intelligence operatives sa paghuli sa hinihinalang foreign terrorists sa Mindanao, kasama ang Indonesian na asawa ng isang suicide bomber na naaresto sa Jolo, Sulu noong Oktubre, 2020 at kinasuhan ng BI sa pagiging undesirable alien at ilegal na pagpasok sa bansa.(JOEL O. AMONGO)

86

Related posts

Leave a Comment