700 KASO NG PAGLABAG NAITALA NG MPD

BUNSOD ng patuloy na ipinaiiral na “Oplan Pagtugis” at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Manila Police District, nakapagtala ng mahigit 700 kaso ng iba’t ibang paglabag sa batas, kabilang ang lokal na ordinansa, sa isang araw na pagbabantay ng mga pulis ng 14 himpilan ng pulisya.

Ayon sa Daily Accomplishments Report na inilabas ni Police Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO), ang nasabing bilang ay naitala mula sa pagbabantay nitong Lunes

Nabatid sa datos ng MPD, naitala ang kabuuang 775 na iba’t ibang paglabag sa batas, kabilang sa mga ordinansa ng lungsod.

Sa local ordinance violation, 245 ang naaresto sa paninigarilyo sa pampublikong lugar, isang tao ang lumabag sa pag-ihi sa bawal na lugar, habang 128 ang hindi naman pagsusuot ng pang-itaas na damit sa public places.

Kabilang din dito ang 43 na nahuli sa paglabag sa curfew, 253 ang lumabag sa Traffic Management Code at 64 ang nadakip sa ‘obstruction’.

Habang sa criminality campaign ng MPD na ‘Oplan Pagtugis’ sa mga nagtatago sa batas, ay 10 wanted persons ang naaresto na kabilang sa watch list, mula sa 10 police operations.

Samantala, apat naman ang natimbog sa loose firearms, at nakasamsam ng apat na baril.

Umabot naman sa 20 katao ang nahuli sa illegal gambling sa 7 operations ng MPD, at nakasamsam ng P4,444,00 halaga ng salapi.

At sa pinakahuling operation report ng MPD kaugnay sa ilegal na droga, nakasabat ng 25.8 grams ng shabu, at 2.5 grams na marijuana na may street value na halagang P175,740 mula sa 7 kataong naaresto sa 4 police operations ng MPD.

Malugod namang pinapurihan at pinasalamatan ni MPD Director Police Brigadier General Andre P. Dizon ang kanyang mga tauhan sa ipinatutupad na anti-criminality campaign sa kanilang nasasakupan. (RENE CRISOSTOMO)

187

Related posts

Leave a Comment