ABRIL PA BAGO MAGING NORMAL MULI ANG WATER SUPPLY — MWSS

mwss12

(NI ABBY MENDOZA)

AMINADO ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System(MWSS) na aabutin pa ng isang buwan bago tuluyang maging stable ang supply ng tubig ng Manila Water na sapat para tugunan ang dami ng mga consumers nito.

Ayon kay MWSS Administrator Rey Velasco, nasa 200 million liters na tubig ang kulang sa supply ng Manila Water, sa ngayon ang agarang lamang  maso-solusyunan ay ang 50 million liters na kulang na tubig matapos na rin mangako ang Maynilad na magbibigay ng 50 million liters ng tubig sa Manila Water araw araw na kayang suplayan ang may 50,000 customers sa loob ng 24 oras.

Ani Velasco ang supply ng Maynilad at Manila Water ay nanggagaling sa Angat Dam, napupunta umano ang supply sa isang common portal na nasa La Mesa Dam, sumadsad man ang water level sa La Mesa Dam ay walang dapat na ipangamba dahil wala itong epekto dahil hindi ditto nakakonekta ang mga water concessionaires.

Ipinaliwanag ni Velasco na hindi El Nino o ang pagbaba ng water level ng tubig sa La Mesa Dam ang ugat ng nararanasang kakulangan sa tubig ng mga consumers ng Manila Water kundi resulta ito ng mataas na demand.

Nabatid na ang arawang supply ng tubig ng Maynilad ay 2600 million liters habang 1600 million liters naman sa Manila Water, dala ng mataas na demand ng Manila Water at nagkukulang ito ng 200 million liters kada araw.

Bilang solusyon, sinabi ni Velasco na nagkaroon na ng kasunduan na magbibigay ang Maynilad ng 50 million liters na tubig araw-araw sa Manila Water, ang 100 million liters pa ay maidadagdag sa supply sa oras na ma-activate ang pumping o deep well stations ng Manila Water at ang 50 million liters ay manggagaling naman sa Cardona Water Treatment Facility ng Manila Water na nasa Laguna Lake.

Ani Velasco ang Cardona Water Facility ang inaasahan sana ng Manila Water na mapagkukunan nila ng dagdag na tubig ngayong summer season subalit nagkaroon ng delay ang kontruksyon nito gayundin ay nagkaroon ng problema sa kalidad na tubig na kinailangan isaayos.

 

TAG-ULAN HINIHINTAY

 

Sa panig ng Maynilad sinabi ni Jeric Sevilla, Head ng Corporate Communications ng Manila Water, tanging tag-ulan na lamang ang maaari nilang asahang makakaresolba sa problema sa kakapusan ng tubig kaya kung walang ulan ay maaaring abutin pa ng Mayo ang problema sa kapos na supply.

Sinabi ni Sevilla na kumpleto naman nilang nakukuha ang isang libo anim na raan (1,600) milyong litro ng tubig araw-araw mula sa Angat dam subalit hindi na ito nakakasapat sa lumolobong residente sa kanilang nasasakupan.

Tiniyak ni Sevilla na magtutuloy-tuloy ang pagrarasyon nila ng tubig lalo na sa mga ospital.

Sa panig ng Maynilad Water Services tiniyak ni Jennifer Rufo, Corporate Communications Chief ng Maynilad, maganda pa ang antas ng lebel ng tubig sa Angat dam kung saan galing ang supply ng tubig na ipinamamahagi nila sa Western Metro Manila, bukod ditto ay natuto na umano ang Maynilad sa naranasang pinakamatinding El Niño noong 1998 kayat nagtayo sila ng mas maraming reservoir na kayang mag-imbak ng halos 300 milyong litro ng tubig.

 

 

74

Related posts

Leave a Comment