ABUSADONG TRADERS, PROFITEERS HAHABULIN

INUTUSAN ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang local police force at market officials na habulin ang mga abusado at mataas magpatubong traders makaraang makatanggap ng mga reklamo sa kanyang constituents hinggil sa umano’y “skyrocketing prices of basic commodities and food products”.

“I have thus instructed the Pasay City Public Market, the Pasay City Police, and barangay officials to strictly monitor the prices of selected pork, chicken and other food products in all public and private markets, supermarkets, talipapas, and grocery stores in our city,” sabi ni Mayor Calixto-Rubiano.

Sinabi pa ni Mayor Emi, balak niyang bumuo ng sub-task force para habulin ang mga mapagsamantalang negosyante at mai-report sa Office of the Mayor upang ang karampatang aksyon na naaayon sa batas ay maipataw sa kanila.

Ang kautusan ni Mayor Emi na habulin ang mga malakas magpatubong negosyante ay pagsunod sa naunang Executive Order 124 na ipinalabas ni Pangulo Rodrigo Duterte na nagtatakda ng price ceiling sa mga piling pork at chicken products dito sa National Capital Region (NCR).

Mananatiling epektibo sa loob ng 60 araw, simula nang maipalabas sa Official Gazette, ang kautusan ng Punong Ehekutibo.

Itinakda ni Pangulong Duterte ang presyo ng karne ng baboy na kasim/pigue sa P270 kada kilo habang ang liempo ay ibebenta lamang ng P300 kada kilo.

Sa poultry products katulad ng dressed chicken ay pwede lamang ibenta sa maximum price na P160 per kilo.

Inatasan din ni Mayor Calixto-Rubiano ang kanyang mga tauhan na habulin ang mga mapagsamantalang trader na walang pakundangang nagpapataas ng presyo ng basic food items, kabilang ang mga isda at gulay. (DAVE MEDINA)

63

Related posts

Leave a Comment