ACT-CIS REP. ERWIN TULFO NAMAHAGI NG AYUDA SA ISANLIBONG RESIDENTE NG BARANGAY SAN ISIDRO, ANTIPOLO CITY

NAMAHAGI si ACT-CIS Party-List Rep. Erwin Tulfo ng tig-isang libong pisong ayuda sa may isanlibong indigent family sa Barangay San Isidro, Antipolo City.

Ito ay bahagi ng programang assistance to individual in crisis situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development.

Ayon kay Rep. Tulfo, ang pamamahagi ng ayuda sa mga indigent family sa Antipolo ay dahil na rin sa kahilingan ni Ka Rex Cayanong, ang kanyang matalik na KAIBIGAN.

Paglilinaw pa ni Tulfo na ang pera na kanilang ipinamahagi ay hindi sa kanya at hindi rin pera ng DSWD. Pera rin aniya ito ng taumbayan na ibabalik lamang sa pamamagitan ng kanyang inisyatiba.

Nangako pa ito na ang ginawang pamamahagi ngayong araw ay unang batch pa lamang sa mga bibigyan ng ayuda at ang mga hindi nakatanggap ngayon, sa susunod ay sila naman ang makakatanggap.

Napag-alaman na marami sa mga taga-San Isidro ay nahirapan sa pagkuha ng certificate of indigency sa pamahalaang Barangay.

Nang malaman umano ng Barangay na si Ka Rex Cayanong ang nag-inisyatiba na humiling Kay Rep. Tulfo, hinigpitan nito ang pagbibigay ng clearance. Bunsod raw ito ng pangamba na makalaban si Ka Rex Cayanong sa darating na Barangay at SK election.

Kaugnay nito, umapela si Ka Rex sa mga opisyal ng Barangay San Isidro na huwag pulitikahin ang kanilang mga ka-barangay na nangangailangan ng tulong mula sa pamahalaan.

169

Related posts

Leave a Comment