AWOL NA LESPIYAK WANTED SA LAGUNA, ARESTADO SA MAYNILA

Ni SAMANTHA MENDOZA

Arestado ang isang absent without official leave (AWOL) na miyembro ng Philippine National Police (PNP) at wanted sa Siniloan, Laguna sa kasong paglabag sa Iligal na droga, kamakalawa ng gabi sa Matimyas St. Sampaloc, Maynila.

Si PO1 Richard Pagaran Naungayan ay inaresto ng mga tauhan ni PSI Geuel P. Capuz,ng Warrant Section ng Manila Police District (MPD)  sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa  Sec. 11 Article II ng R.A 9165 na inisyu ni Siniloan Laguna, RTC Branch 33  Judge Marlyn Reyes -Agama.

Nalaman na may nagbigay ng impormasyon sa pulisya na nasa lugar ang AWOL na pulis kaya pinlano ang operasyon dakong-alas 8 ng gabi kung saan ito naaresto sa 619 Matimyas St. Sampaloc, Maynila.

Nakadetine ngayon ng MPD-Police Station 4,ang suspek  at nakatakdang dalhin sa Court of origin sa Siniloan, Laguna.

7

Related posts

Leave a Comment