BABALA NG CHINA: TRESPASSERS HUHULIHIN, IKUKULONG

MAKARAAN ang ipinagmamalaking tagumpay ng Atin Ito coalition’s civilian convoy mission sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea, naglabas kahapon ng babala ang China na pinagkalooban nila ng pangil ang kanilang China Coast Guard na arestuhin at ikulong ng hanggang 60 araw ang sinomang trespassers o papasok sa kanilang territorial waters.

“Coastguards can detain trespassers without trial,” ayon sa Beijing.

Sa ibinahaging impormasyon ng Chinese Embassy in Manila, sinasabing inaprubahan ng China ang bago nilang regulasyon na nagsasaad na maaaring makulong ng hanggang 60 araw nang walang paglilitis ang sinomang banyaga na hinihinalang ilegal na tumawid sa mga hangganan ng China.

“Beijing has fleshed out the Chinese coastguard’s powers to detain foreigners suspected of illegally crossing borders, rolling out regulations on Wednesday that stipulate suspects can be held for up to 60 days without trial, amid rising tensions in the South China Sea,” ayon sa ulat na inilabas ng South China Morning Post.

Sinasabing ang bagong regulatory document na inilabas kasabay ng inilunsad na Regatta ng grupong “Atin Ito” sa karagatang sakop ng West Philippine Sea, ay paiiralin sa susunod na buwan ng Hunyo.

MALINAW NA ‘ILLEGAL AND INTIMIDATION TACTIC’

Mariing tinuligsa ng Philippine Coast Guard (PCG) kahapon ang bagong polisiya ng China na malinaw umanong illegal and intimidating tactics.

“This rule only sought to discourage Filipinos from doing legitimate activities in the West Philippine Sea,” pahayag ni Commodore Jay Tarriela, PCG spokesperson for the West Philippine Sea.

“Isa na namang pananakot ito ng Chinese government, to discourage these kinds of activities. Definitely these are things na masasabi nating ilegal na aksyon ng China,” ani Com. Tarriela.

Ayon sa Coast Guard, hindi lamang ang Pilipinas ang maaapektuhan ng inaprubahang domestic law ng China at posibleng magbunga ito ng negative impact sa China dahil sa magiging reaksyon ng iba pang mga bansa.

“I don’t think China is really serious in doing this because mas malaki ang magiging backlash nito sa kanila bilang isang bansa and most likely more countries would really criticize and stand up against this kind of illegal domestic law that they passed without considering the implication on international law,” paliwanag ni Tarriela.

Nilinaw naman ng Philippine Coast Guard na hindi sila matitinag ng nasabing domestic law ng China at patuloy nilang pagkakalooban ng proteksyon ang mga sibilyan lalo na ang mga mangingisda.

“Ang Coast Guard ay mananatiling nagpapatrolya dito. Sisiguraduhin na ang mga mangingisdang Pilipino natin ay malayang makakapangisda sa exclusive economic zone natin,” ani Tarriela.

Samantala, pinapurihan naman ng Armed Forces of the Philippines ang grupo ng Atin Ito.

“The Armed Forces of the Philippines commends the Atin Ito coalition’s successful civilian convoy mission to Bajo de Masinloc. We commend this initiative for its significant role in asserting the Philippine’s presence and rights in the West Philippine Sea. Peaceful endeavors like this are crucial for demonstrating our national solidarity and upholding our sovereign rights, in accordance with international law,” ayon pa sa statement na inilabas ni Col. Xerxes Trinidad , AFP PIO chief. (JESSE KABEL RUIZ)

62

Related posts

Leave a Comment