BANGKAY SA GARBAGE BAG

Isang bangkay ng lalaking pinagpilitang pagkasyahin sa isang garbage bag ang natagpuan sa isang bangketa sa Lungsod ng Caloocan kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Caloocan City Police Community Precint VI ay ganap umanong alas 7:00 pasado ng umaga nang matagpuan ng isang concerned citizen ang kahina-hinalang itim na garbage bag sa kahabaan ng London Street, Vista Verde, Barangay 167, Llano ng nasabing lungsod na mabilis ding na itinawag kay Leomer Abad, 55 anyos, may kinakasama, na siyang OIC security ng Vista Verde at residente ng Dahlia Street,  Barangay 187, Tala ng nasabing lungsod.

Pagdating doon ay agad niyang inusisa kung anong laman nito at doon na nga nila natuklasan ang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaking biktimang isinalarawang nasa 160 cm ang taas, nakasuot ng puting tshirt at denim short na may tattoo na “Belizon” sa kanyang kaliwang braso.

Agad naman niyang ipinagbigay alam sa nasabing himpilan ng pulisya ang natuklasan, mabilis ding dumating ang mga tauhan ng Northern Police District – Scene Of the Crime Operatives (SOCO) sa paumuno ni PSI Sonny Boy Tepace, sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Crystal Funeral Service ang nasabing bangkay na sasailalim sa autopsy.

5

Related posts

Leave a Comment