BATANG BULLY NG ATENEO SISIPAIN

bully

SISIPAIN ng pamunuan ng Ateneo de Manila University (ADMU) ang estudyanteng Junior High School kapag napatunayang guilty sa grave misconduct.

Inilabas ni Jose Ramon Villarin SJ, President ng ADMU Junior High School ang pahayag matapos ang viral video ang pambu-bully nito sa isa pang estudyante sa loob ng comfort room.

Kinausap na rin umano ng pamunuan ang mga estudyanteng sangkot sa pambu-bully bago pa mag viral ang video. Makikita sa kumakalat na video ang pambubugbog ng bata na umano’y taekwando member at pinamimili ang mabu-bully kung ‘bugbog o dignidad’. Marami na umanong nabugbog ang bata dahilan para umaksiyon ang mga magulang at kapwa estudyante ng eskuwelahan.

22

Related posts

Leave a Comment