KINASTIGO ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at Christopher Lawrence “Bong” Go dahil sa kabila ng panawagan na mag-inhibit ang mga ito sa pagdinig ng Senate sa war on drugs (WOD) ay dumalo pa rin ang mga ito.
“We strongly condemn the shameless display of partisan defense and self-serving statements made by Senators Bong Go and Ronald “Bato” Dela Rosa during the Senate inquiry into the Duterte administration’s bloody war on drugs,” ani Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas.
Kahapon ay sinimulan ng Senate Blue Ribbon committee ang war on drugs na dinaluhan ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Sa Quad committee hearing, direktang pinangalanan sina Dela Rosa at Go na ay mahalagang papel sa war on drug partikular na sa extra-judicial killings (EJK) at maging ang pagbabayad sa mga pulis na makakapatay ng mga suspek na pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na droga.
“These two senators, who were key officials during former president Rodrigo Duterte’s term, have no moral authority to participate in this investigation. Senator Go, as Duterte’s former top aide, and Senator Dela Rosa, who implemented the deadly Oplan Tokhang as then-PNP chief, should inhibit themselves from the proceedings due to clear conflict of interest,” ayon pa kay Brosas.
Tulad ng inaasahan, ginamit nina Dela Rosa at Go ang pagkakataon para itanggi na may kinalaman ang mga ito sa EJK subalit itinuturing ito ni Brosas na paghuhugas-kamay ng dalawa at guluhin ang imbestigasyon sa war on drugs.
Pang-iinsulto aniya ito sa libu-libong biktima ng war on drugs lalo na ang mga bata na walang kinalaman sa ilegal na droga subalit pinatay ang mga ito habang ang iba ay inakusahang nanlaban kahit wala aniyang katotohanan.
“Their statements are nothing but a desperate bid to protect their former boss while completely disregarding the pain and trauma of those who lost their loved ones to extrajudicial killings,” ayon pa kay Brosas.
Dahil dito, umapela ang mambabatas sa liderato ng Senado na wag hayaan magamit ng kapulungan para sa linisin ng mga nasasangkot sa war on drugs at sa halip ay tiyaking panagutin ang mga nagkasala at mabigyan ng karatungan ang mga biktima na pinatay na walang kalaban-laban. (BERNARD TAGUINOD)
111