BITAY SA DRUG LORDS PANAHON NA – SOLON

WALA nang kinikilala at sinisino ang mga drug lord kaya kailangan nang parusahan ang mga ito ng kamatayan.

Ito ang muling iginiit ni House committee on dangerous drugs chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers matapos makarating sa kanilang kaalaman na maging sa Davao City Hall ay maraming durugista.

“Even Davao City where the number one enemy of illegal drugs resides, was not spared. This shows us that the problem is indeed serious and the solution is not a walk in the park,” ani Barbers.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos ianunsyo ni Davao City Mayor Baste Duterte ang pagsibak sa may 37 empleyado ng Public Safety and Security Office ng Davao City Hall matapos magpositibo ang mga ito sa ilegal na droga.

“This bold display of arrogance by these drug syndicates is indicative of their mistaken confidence that they can bribe their way in and out of our system,” ayon sa mambabatas.

Dahil dito, inatasan ng mambabatas ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magtulungan para lansagin ang mga drug lord na nagpapakalat ng ilegal na droga sa Davao City.

“Spare no one and leave no stone unturned in getting to the bottom of this mess,” direktiba ni Barbers sa dalawang nabanggit na ahensya.

Umapela rin si Barbers sa gobyernong Marcos Jr., na buhayin ang death penalty upang mabitay ang mga drug lord lalo na ang mga dayuhan na nagpapakalat ng ilegal na droga sa pamamagitan ng kanilang kasabwat sa bansa.

“If these syndicates think that they can bribe all of us, they are terribly mistaken. What you have shown so far in using drug money to buy our lands, our officials, our electoral system and our people only challenges us more to fight back and give you what you deserve, the only language you understand, death, as I call on the government to immediately revive the death penalty and send these syndicates to the gallows”, giit ni Barbers. (BERNARD TAGUINOD)

55

Related posts

Leave a Comment