CHINA TINAWAG NA “BIG GREEDY DRAGON”

TINAWAG ng isang kongresista ang China bilang “big greedy dragon” kasabay ng pagkondena sa panibagong harassment na ginawa ng Chinese Coast Guard sa tropa ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Base sa mga report, ninakaw at sinira ng CCG ang mga pagkain at tubig na inihatid sa mga naka-deploy sa BRP Sierra Madre sa pamamagitan ng eroplano upang maiwasan ang pangha-harass.

“China is increasingly becoming a big greedy dragon; stealing and destroying the treasures and resources of peaceful people,” pahayag ni House deputy minority leader France Castro kahapon.

Dahil dito, kailangan na aniyang magkaisa ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) partikular na ang claimant sa Spratly islands dahil habang tumatagal ay tumitindi na ang pangha-harass ng China sa South China Sea.

Kung ginagawa aniya ito ng China sa Pilipinas ay hindi malayong isunod ng mga ito ang mga teritoryong inaangkin ng Brunei, Malaysia, Taiwan at Vietnam.

“We Filipinos, along with other ASEAN countries with claims at the South China Sea, must unite in patrolling our waters and file cases against this growing monster at the UN before another monster like the US incites a bloody war in the area with the Philippines as the battlefield,” paliwanag ni Castro.

Hindi aniya katanggap-tanggap na bukod sa nais gutumin ng China ang tropa ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre ay pinagkakaitan ang mga ito ng mga gamot na kailangan nila habang binabantayan ang teritoryo ng Pilipinas. (BERNARD TAGUINOD)

49

Related posts

Leave a Comment