BLUMENTRITT POLICE COMMUNITY PRECINCT, PAHIRAP SA VENDORS?

DISMAYADO ang mga manininda sa nadoble umanong paniningil ng butaw ng engkargado ng Blumentritt Police Community Precinct, sakop ng Sta. Cruz Police Station 3 ng Manila Police District.

Ayon sa vendor na ayaw magbanggit ng pangalan, halos wala na silang kinikita sa kanilang paninda dahil napupunta umano sa Blumentritt PCP.

“Sana ibalik na lang ‘yun dating hepe, bakit nilipat pa eh maganda naman ang ginagawa nito, saka maliit lang ang butaw ng mga vendor, ngayon halos doble,” pahayag ng isang manininda.

Dahil dito, nagtatanong sila kung alam ng station commander ang ginagawang pahirap umano sa kanilang mga manininda.

Balak din nila itong ipagbigay-alam kay MPD Director, Police Brigadier Arnold Thomas Ibay upang palitan na ang itinalagang block commander.

Sigurado anila silang hindi kukunsintihin ni General Ibay ang ganitong sistema.

(RENE CRISOSTOMO)

37

Related posts

Leave a Comment