BUS VS TRUCK:  HIGIT 30 SUGATAN SA MAYNILA

truck

(PHOTO BY JHAY JALBUNA)

SUGATAN ang mahigit sa 30 pasahero nang  magsalpukan ang isang pampasaherong bus at trailer truck sa kanto ng San Marcelino at Remedios St., Maynila, Martes ng gabi.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang pampasaherong bus na may plakang CDK 3992

ay galing ng Lawton at patungong Tagaytay nang maganap ang insidente.

Sa tindi ng salpukan ay tumagilid ang bus na naging sanhi ng pagkasakitan ng mga sakay na pasahero.

Lumikha rin ng matinding pagsisikip ng trapiko sa lugar.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

79

Related posts

Leave a Comment