‘CARMAGEDDON’ SA METRO ASAHAN

traffic

HULING Biyernes na bukas, Dec 21 at asahan na ang matinding pagsisikip ng trapiko saan mang sulok ng Metro Manila.

Ito ang babala ni Metropolitan Manila Development Authority General Mnager Jojo Garcia sa harap ng kaliwa’t kanang Christmas party at Christmas rush sa Kamaynilaan.

Gayunman, handa ang MMDA at naka-full alert na ang lahat ng traffic enforcers para sa inaasahang masikip na daloy ng trapiko. Magkakaroon din  sila ng briefing para sa holiday rush higit sa kahabaan ng Edsa kung saan umaabot lamang sa 12kph ang takbo ng mga sasakyan na higit na bumabagal kapag malapit na sa mga shopping malls at terminal ng mga pampasaherong bus.

5

Related posts

Leave a Comment