CASINO TYCOON PINAARESTO SA ESTAFA

okada

NAGLABAS ng warrant of arrest si Judge Rolando G. How, ng Paranaque Regional Trial Court Branch 257, para arestuhin si Japanese billionaire at gaming tycoon na si Kasuo Okada dahil sa kasong estafa.

Ang pagpapaaresto ay matapos baligtarin ng Department of Justice ang unang kautusan ng Parañaque City Prosecutor’s Office na nag-dismis sa kaso ni Okada.

Si Okada ay inakusahan sa pambubulsa umano ng $3.1 milyon ng Tiger Resort, Leisure and Entertainment, Inc (TRLEI), operator ng Okada Manila.

Ang Japanese billionaire ay sinipa sa kompanya noong June 2017 dahil sa maanomalyang paggamit umano ng pondo ng kompanya ngunit ito ay kinontra ni Okada na nagsabing illegal ang pagpapatalsik sa kanya.

4

Related posts

Leave a Comment