ZERO BACKLOG SA LICENSE CARDS, PLATES SA HULYO – LTO

TINIYAK ni LTO assistant secretary Vigor Mendoza II na walang magiging backlogs sa pagpapalabas ng driver’s license cards at plates simula ngayong Hulyo.

Sa sectoral meeting kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ni Mendoza na sapat ang suplay ng license cards at plates ngayong taon.

“Ipinakita natin sa ating Pangulo na as far as the supply is concerned ng driver’s license cards ay dire-diretso po tayo hanggang end of the year. We have sufficient driver’s license card to support the demand for until end of the year,” anito.

Sinabi pa ni Mendoza na humigit-kumulang 9.7 million cards ang na-bid-out na ng Department of Transportation (DOTr) at LTO.

Kaya wala aniyang dahilan para kapusin ang cards para sa buong taon.

“Dahil nga dito, by July 1 of this year dapat wala na pong backlog. And we can see that on tract po tayo diyan, iyong mga nag-expire po ng April 30, eh nagre-renew na po sila ng kanilang mga cards, pati iyong mga last year eh, eh tuloy-tuloy po ang kanilang pagre-renew ng cards. Iyong May 1 to May 30 naman, iyong mga last quarter of last year,” aniya pa rin sabay sabing “We encourage them na pumunta na po sa inyong LTO at kunin na po ninyo, kung mayroon na kayong paper license, eh pwede na po ninyong kunin iyong inyong plastic card at iyong mga hindi pa nag-renew, you have until May 31 to renew your licenses. Pagdating po ng Hunyo, ito na po iyong last first quarter of this year at saka iyong mag-expire po ng Hunyo, we are giving you the opportunity na i-renew na po ang inyong mga lisensya at sapat na po iyong ating mga license cards.”

Ni-report din aniya nila sa Pangulo na mayroong mga engraver machines ang nagbe-breakdown na. Ang mga makina aniya ay ‘six to seven years old.’

Pagdating naman aniya sa motor vehicle, ang inaayos na lamang aniya at malinaw para sa Pangulo ay kailangan nilang maging mahigpit sa mga dealers. (CHRISTIAN DALE)

22

Related posts

Leave a Comment