CONSUMERS SAPUL SA TOLL HIKE SA NLEX

HINDI lamang mga motoristang dadaan sa North Luzon Expressway (NLEX) ang tatamaan sa toll hike kundi maging ang mga consumer sa Metro Manila dahil inaasahang ipapatong ng mga negosyante ang dagdag na gastusin sa kanilang produkto.

“Any toll hike approved by the Toll Regulatory Board (TRB) is adding salt to injury as it will eventually jack up bus fares, prices of agricultural produce, and basic goods from the provinces transported through NLEX,” ani Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos ianunsyo ng NLEX Corp., na pinayagan na ng TRB ang second tranche ng periodic toll adjustment base sa kanilang petisyon noong 2018 at 2020.

Nangangahulugan na maaari nang magtaas na toll fees ang NLEX kung saan inaasahan na madadagdagan ng P27 ang gastos ng mga pribadong motorista na dadaan dito habang P68 sa buses at P81 sa mga truck.

“A gradual increase does not lessen the impact. It comes at a time when prices of basic utilities and services are already soaring. It’s like slowly suffocating consumers as traders will inevitably pass on these additional costs,” ayon kay Brosas.

Dahil dito, planong kuwestiyunin at harangin ni Brosas ang toll hike na ito sa NLEX. (BERNARD TAGUINOD)

31

Related posts

Leave a Comment