CONVOY NG ATIN ITO COALITION SA WPS BABARIKADAHAN NG CHINA

POSIBLENG latagan ng China ng malaking barikada ang mga sibilyan na maglalayag sa West Philippine Sea sa ikalawang pagkakataon para mamahagi ng tulong sa mga mangingisdang Pilipino na namamalakaya sa ilang bahagi ng karagatan na inaangkin ng China.

Inihayag kahapon ng Atin Ito Coalition na hindi sila matitinag kahit pa buntutan sila ng mga sasakyang pandagat ng China.

Ayon sa organizers ng grupo, determinado silang ituloy sa ikalawang pagkakataon, ang kanilang convoy papunta sa pinag-aagawang teritoryo na nakapaloob sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas. Ito’y sa gitna ng mga ulat na namataan ang inihahandang malaking naval blockade ng China para harangin ang convoy.

Target ng convoy na makapaghatid ng pagkain at fuel sa mga Pilipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc sa Panatag at Scarborough Shoal.

Inihayag ng analyst at maritime expert na si Ray Powell, Director ng Sealights, isang maritime transparency initiative ng Gordian Knots Center for National Security Innovation, base sa kanilang monitoring, ang China ay magpapadala ng apat na coast guard at 26 large maritime militia ships para harangin ang Atin Ito convoy. (JESSE KABEL RUIZ)

37

Related posts

Leave a Comment