GRADUATES PINAALALAHANAN NI VILLAR NA PANGALAGAAN ANG KAPALIGIRAN

TINAGUBILINAN ni Villar ang environmentalist-graduates na gawin ang kanilang papel at responsibilidad na pangalagaan ang kapaligiran upang matiyak ang sustainable future sa kasalukuyan at sa hinaharap na henerasyon.

“Malaki ang mga hamon, ngunit ang iyong potensyal na gumawa ng positibong epekto ay mas malaki,” ayon sa senador.

Si Villar ang Special Guest sa ginanap na Volunteers’ Graduation of the Philippine Wildlife Rangers and Environmental Enforcers (PWREE) sa Las Piñas Parañaque Wetland Park (LPPWP) kahapon (May 12).

Nakatanggap din ang senadora sa nasabing okasyon ng pagkilala bilang Master Conservator dahil sa kanyang kontribusyon sa konserbasyon ng wildlife at ng mga naninirahan dito. (DANNY BACOLOD)

32

Related posts

Leave a Comment