DEDBOL SA RIDING-IN-TANDEM

DEAD on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi kilalang riding-in-tandem habang tumatagay mag-isa sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktimang nagtamo ng bala ng baril sa ulo ay nakilalang si Rolly Joerge Domingo, alyas “Yammy”29, residente ng 229 M. Naval st. Daanghari.

Sa report mula sa tanggapan ni Navotas police chief Sr. Supt. Ramchrisen Haveria Jr., alas-11:00 ng gabi, nakaupo ang biktima sa pinto ng kanilang bahay habang tumatagay mag-isa nang dumating ang dalawang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo at kapwa nakasuot ng helmet.

Bumaba ang back rider at walang sabi-sabing pinagbabaril sa ulo ang biktima bago muling sumakay sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang kasama at mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon.

Narekober mula sa crime scene ang pitong basyo ng bala mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril habang patuloy ang isinagawa ang follow-up investigation para sa posibleng pagkakilanlan at gayundin ang motibo sa pamamaril.

7

Related posts

Leave a Comment