DESISYON NG SC SA PAGTATALAGA NG PROV’L TREASURER SA MAGUINDANAO DEL NORTA, IAAPELA – EBRAHIM

NAKATAKDANG umapela sa Korte Suprema si Bangsamoro Cotabato City Government Chief Minister Ahod Ebrahim sa sandaling matanggap nila ang desisyon ng Korte sa Mandamus Case ukol sa pagtatalaga ng provincial treasurer sa Maguindanao Del Norte.

Sa kabila ng planong apela ay tiniyak ni Ebrahim na ang Bangsangmoro Government ay irerespeto ang pagtataguyod ng demokrasya, hustisya at ang umiiral na batas sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema.

Nirerespeto din ni Ebrahim ang independence ng ating hudikatura at ang desisyun nito lalo na’t naniniwala siya na mahalagang igalang ang due process na sistema ng ating hudikatura.

Tiniyak din ni Ebrahim na hindi sila gagawa ng anumang hakbang na magdudulot ng anumang uri ng kaguluhan sa kabila ng pagkwestyon nila sa naging desisyon ng Korte Suprema. Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang natatanggap na kopya ng desisyun mula sa Korte Suprema ang kampo ni Ebrahim ngunit kanyang tiniyak na agaran silang maghahain ng apela sa sandaling matanggap nila ang desisyon.

Nanawagan din si Ebrahim sa lahat ng panig na maging maingat ang bawat isa habang kani-kanilang pinagtutulungan na maresolba ang usapin sa legal na pamamaraan.

Nanawagan din si Ebrahim sa mga mamamayan ng Bangsamoro anuman ang kanilang paniniwala sa pulitika na maging maingat sa kanilang mga ipapahayag ukok sa usapin upang sa ganoon ay hindi ito makagulo at pagsimulan ng anumang pag-aalinlangan sa mga apektadong lugar na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region.

Umaasa din si Ebrahim na sa lalong madaling panahon ay matutuldukan na ang usapin para na din sa tuloy-tuloy na kapayapaan at kaayusan ng pamumuhay ng mga mamamayan ng Bangsangmoro.

67

Related posts

Leave a Comment