DIGONG SINUMBATAN NG KAMARA

“CONGRESSMEN saved the day for then President Rodrigo Roa Duterte when the COVID-19 crisis erupted in 2020”.

Ito ang tila panunumbat ni House Majority Leader at Zamboanga Rep. Manuel Jose “Mannix” Dalipe kay Duterte matapos siraan at batikusin ng dating Pangulo ang Kamara kasunod ng pagtanggal sa confidential funds ng kanyang anak na si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte.

“Marami sa amin ngayon sa 19th Congress, nanilbihan din noong 18th Congress, noong pangulo pa si President Duterte. At alam niya ang ginawa namin, sinuportahan namin siya lahat, todo-todo, sa lahat ng mga kailangan niya sa legislative agenda niya at noong panahon ng COVID, sinuportahan siya ng Kongreso at nagtataka kami, bakit ngayon, iba na ‘yung tingin niya sa aming mga kongresista,” ayon pa sa mambabatas.

Ayon kay Dalipe, agad na ipinasa ng Kamara ang “Bayanihan to Heal as One Act” noong Marcos 2020 matapos sumabog ang COVID-19 sa unang linggo ng nasabing buwan at sinundan ito agad ng Bayanihan 2 o “Bayanihan to Recover as One Act” pagkalipas ng apat na buwan o noong July 2020.

Kabilang sa pinondohan ng nasabing mga batas ay ang bilyon-bilyong pambili ng medical kits na naging kontrobersyal matapos bigyan ng malaking kontrata ang Pharmally kahit baguhan pa lamang ang ito sa industriya.

“Even before nung panahon ng COVID, kung anong sabihin ng pangulo natin, we heeded his call. Hindi namin siya iniwan, tiniyak namin na may sapat na budget ang Duterte administration noon, noong panahon ng COVID, para meron siyang pondo para mamigay ng ayuda, ‘yung mga kailangan sa kalusugan noong panahon ng COVID, lahat sinuportahan namin siya,” ayon pa kay Dalipe.

“Kaya lang medyo nalulungkot nga kami bakit ganito na ‘yung mga statement niya ngayon,” dagdag pa ng mambabatas, habang idinepensa naman nito ang paglilipat sa P650 million confidential fund ng Pangalawang Pangulo at inilipat sa security agencies na nakatututok sa seguridad sa West Philippine Sea (WPS).

Ipinaliwanag nito na hindi lamang si VP Sara ang tinanggalan ng nasabing pondo kundi maging ang Department of Agriculture (DA) na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasama ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Information and Communications Technology (DICT).

Kasabay nito, naglabas na rin ng ‘statement of support’ ang Visayan bloc at maging ang ilang mambabatas mula sa Mindanao, sa liderato ni House Speaker Martin Romualdez na pinuntirya ni Duterte.

“We, the Cebu bloc, including representatives from the Province of Bohol, stand firm and united in the House of Representatives under the dynamic and transparent leadership of Speaker Ferdinand Martin Romualdez, towards the upliftment of the lives of the Filipino people,” ayon sa statement ng Visayan bloc congressmen.

(BERNARD TAGUINOD)

180

Related posts

Leave a Comment