DIVORCE BILL BALIK-PLENARYO

IBABALIK sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill (HB) 9349 o Absolute Divorce Act matapos mabahiran ng kontrobersya ang resulta ng botohan.

Ito ang nabatid sa isa sa mga kumontra sa nasabing panukala na si Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., kaya pinatitigil nito ang kanyang mga kasamahan sa Kongreso na sabihing malapit na itong maging batas.

“The House has deferred transmission of the Divorce Law to allow those like myself to raise our concerns regarding the vote taken on this measure, and I believe holding the bill is a prudent move given that there are legitimate issues here that must be resolved,” ayon sa mambabatas.

Nang isalang sa botohan ang panukala noong nakaraang linggo, unang idineklara na 126 congressmen ang bumoto ng pabor habang 109 ang kumontra at 20 ang tumangging bumoto o nag-abstain.

Gayunpaman, makalipas ang ilang oras ay naglabas ng paglilinaw ang tanggapan ng House Secretary General na 131 ang bumoto ng pabor sa nasabing panukala na kinuwestiyon ng mga anti-Divorce bill tulad nina Abante, CIBAC party-list Rep. Eddie Villanueva at Leyte Rep. Richard Gomez

“When sessions resume in July, I will definitely raise this issue. This Divorce Law is not a done deal,” ani Abante na nagkumpirma na ipinagpaliban ng Kamara ang pagpasa nito sa approved bill sa Senado.

“Far from it, even assuming the measure hurdles the House, it must still be taken up in the Senate, and several senators have already indicated that they are not inclined to support the measure,” dagdag pa ng kongresista.

Ipinaliwanag nito na malamig ang Senado partikular na si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa Divorce Bill dahil mas pabor aniya ito na palakasin na lamang ang annulment of marriage.

Kahalintulad aniya ito sa kanyang House Bill (HB) 10488 o Expanded Dissolution of Marriage Act of 2024 kung saan ang mga abogado ng Public Attorney’s Office (PAO) ang hahawak sa annulment case ng mahihirap upang hindi na gagastos ang mga ito.

Kapag naipasa ang nasabing panukala, maisasama ang domestic and marital abuse; physical violence or abusive conduct; drug addiction; chronic gambling at marital infidelity sa ground of annulment. (BERNARD TAGUINOD)

49

Related posts

Leave a Comment