EDDIE GARCIA LAW PIRMADO NA NI PBBM

TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act 11996 o “Eddie Garcia Law” noong Mayo 24, naglalayong bigyang proteksyon at tiyakin ang kapakanan ng mga manggagawa sa industriya ng Pelikula at Telebisyon.

Ang nasabing batas ay nag-ugat mula sa namayapang aktor na si Eddie Garcia.

Sa ilalim ng batas, ang lahat ng mga manggagawa sa pelikula at telebisyon ay dapat protektado ng kanilang employers o principal sa lugar na kanilang pinagtatrabahuhan.

Nakapaloob din sa batas ang implementasyon ng work hours, sahod at iba pang “wage-related benefits, social security at welfare benefits, basic necessity, health and safety, working conditions and standards, at insurance.”

Ang proteksyon ng mga manggagawa sa Pelikula at Telebisyon ay dapat alinsunod sa Labor Code of the Philippines o Presidential Decree No. 442, at Republic Act No. 11058 o “Act Strengthening Compliance with Occupational Safety and Health Standards and Providing Penalties for Violations ” at iba pang naaangkop na batas.

Isinasaalang-alang ng bagong batas ang bigat ng aksidente na naging dahilan ng pagkamatay ni Garcia habang gumagawa ng pelikula.

Dahil dito, may mandato na ang mga manggagawa at employer o principal na gumawa ng isang kasunduan o isang employment contract sa salita o diyalekto na maiintindihan kapwa ng magkabilang partido bago pa simulan ang serbisyo.

“All workers shall also be covered by and entitled to benefits provided by the Social Security System (SSS), the Home Development Mutual Fund or Pag-IBIG Fund, and the Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth),” ayon pa rin sa batas.

Kaugnay nito, sinabi ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na maituturing na milestone sa pagbibigay proteksyon at promosyon ng kapakanan ng mga nasa movie at television industry ang pagsasabatas ng Eddie Garcia Law.

Sinabi ni Estrada na malaking bagay na mayroon nang batas para matiyak ang kaligtasan at maayos na working conditions ng industry workers.

Bukod dito, bubuo na rin ng Movie and Television Tripartite Council na mangangasiwa sa mga dayalogo at Improvements sa industriya.

Kasabay nito, nagpasalamat ang senador sa lahat ng sumuporta at nagtrabaho para maging ganap itong batas partikular kay Pangulong Marcos.

Hindi lamang anya ito isang batas kundi isang simbolo ng pagmamalasakit at pagpapahalaga sa buhay at kapakanan ng mga nag-aambag sa entertainment industry.

“Manong Eddie’s untimely death was not in vain with the enactment of the law bearing his name,”ito naman ang pahayag ng step-son ni Garcia na si 1Pacman party-list Rep. Mikee Romero.

Magugunita na nadisgrasya si Garcia sa taping ng GMA-7 noong June 2019 kaya nalantad ang hindi maayos na kalagayan umano ng mga manggagawa sa showbiz industry, hindi lamang ang mga artista kundi maging production crew.

“The accident served as a wake-up call for the industry and for us policymakers in Congress that led to the enactment of the law protecting the welfare of workers in the movie and television industry,” ayon pa sa mambabatas.

“For ordinary Filipinos, this law means more than just new rules and regulations. It means that their safety, their rights, and their well-being are being taken seriously. It means that when they step onto a set, they can do their jobs with the confidence that they are protected and valued,” ayon naman kay House Speaker Martin Romualdez. (CHRISTIAN DALE/DANG SAMSON-GARCIA/BERNARD TAGUINOD)

48

Related posts

Leave a Comment