ERAP BAGSAK VS DROGA; PINAGPAPALIWANAG NG DILG

ERAP12

(NI TJ DELOS REYES)

BAGSAK ang grado na ibinigay ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kay Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada sa paglaban nito sa  iligal na droga sa pamamagitan ng Anti-Illegal Drugs Abuse Council (ADAC).

Ayon kay DILG Assistant Secretary for External and Legislative Affairs Ricojudge Echiverri, ang Maynila ay nakakuha ng  mababang grado na 65, isang maliit na higit sa boarder-line na 50.

Sinabi ni Echiverri na ang isang rating na 50 o mas mababa ay nagpapatunay na hindi naging maganda ang pangangasiwa ng LGU dahil sa di-pagsunod o pagpapatupad ng ADAC dahilan para sila ay sampahan ng kasong administratibo.

Ang DILG at ang Dangerous Drugs Board (DDB) noong Mayo 21, 2018 ay nagbigay ng Joint Memorandum Circular No. 2018-01 na nag-aatas sa lahat ng LGUs na gawing aktibo, palakasin at tiyakin ng kanilang mga lokal na ADAC; na mangangasiwa sa paglaban sa iligal na droga  at maglaan ng pondo dito..

Sa kaso ng Maynila, sinabi ni Echiverri na ang ADAC ni Estrada ay malayo mula sa mga inaasahan sa LGU na ito na may katumbas sa tatlo o apat na lungsod sa Metro Manila bukod sa kung gaano ka-apektado ito sa iligal na droga.

Kahit na ang isang gradong 65 ay hindi karapat-dapat sa paghahain ng isang administrative charge laban kay Estrada, sinabi ng opisyal ng DILG na hindi pa rin siya nasiyahan sa performance ng Manila kumpara sa iba pang mga lungsod na may malaking populasyon tulad ng Quezon City, Caloocan at Pasay.

Ayon sa DILG, nakakuha ang Quezon City ng rating na 100 habang ang Caloocan ay nakakuha ng 95 grado sa paglaban sa iligal na droga.

“Yung tatlo (QC, Caloocan at Pasay) ay nakakuha ng mataas na rating, Manila lang ang hindi . . anong explanasyon mo,” sabi ni Echiverri.

Nitong Miyerkules, pinamunuan ni Echiverri ang paghahain ng kaso sa Office of  Ombudsman laban sa 51 local officials sa bansa dahil sa hindi pagsunod sa pagpapatupad ng kani-kanilang mga ADAC.

 

119

Related posts

Leave a Comment