EXTENDED OPERATING HOURS NG MRT 3 SISIMULAN SA DEC 16

mrt

SIMULA sa December 16,  pahahabain ang oras ng biyahe ng MRT 3 para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday rush.

Sa advisory ng Department of Transportation, ang mga train ay aalis mula North Avenue station ng mas maaga sa schedule nitong 5.30 ng umaga

Aalis ang unang train mula North Avenue station ng alas-4:27 ng umaga sa December 16,22,23,24,30 at 31 habang ang unang train naman ay bibiyahe ng alas 4.25 ng madaling araw sa December 17,18,19, 20 at 21.

Ang huling train mula Taft Avenue station, sa December 16,22 at 23, ay aalis ng alas-11:01 ng gabi.

8

Related posts

Leave a Comment