FUEL SUBSIDY SA MGA TSUPER, IPAMAHAGI NA

NANAWAGAN si Committee on Public Services Chairperson Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) na agad nang ipamahagi ang fuel subsidy sa mga tsuper at operators ng public utility vehicles.

Ito ay kasunod ng panibagong fuel price hike ngayong linggo kung saan P1.10 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina, P0.20 sa kada litro ng diesel at P0.70 sa kada litro naman ng kerosene.

Ipinaalala ni Poe na naglaan ang Kongreso ng P3 billion fuel subsidy sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagagamit kahit halos matatapos na ang taon.

Agad na pinag-i-isyu ng senadora ang DOTr ng memorandum circular para magpatupad na ng kasunduan sa kinakailangang paglalabas ng long overdue na fuel subsidy.

Muli ring nanawagan si Poe sa Department of Finance (DOF) na suspendihin ang excise tax sa fuel at mga produktong petrolyo kahit hanggang sa maging matatag lang ang presyo.

Hiniling din ni Poe sa DOTr at sa LTFRB na humanap ng ibang alternatibong paraan o remedyo para matulungan naman ang PUV sector at ang mga commuters na direktang apektado ng serye ng pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.

(Dang Samson-Garcia)

123

Related posts

Leave a Comment