PEDESTRIAN SINURO NG MOTORSIKLO, PATAY

NALAGUTAN ng hininga ang isang lalaki makaraang mabundol ng isang motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa eastbound lane ng Capulong Road sa Barangay 151, Tondo, Manila noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Benjamin Nido, nasa hustong gulang, ng Tondo, Manila.

Habang sugatan naman ang motorcycle rider na si Marky Justine Fulinara gayundin ang angkas nitong si Jeffrey Pilapil, makaraang sumemplang ang motorsiklo.

Kapwa isinugod ang mga ito sa Jose Reyes Memorial Medical Center para malapatan ng kaukulang lunas.

Base sa ulat na isinumite ni Police Staff Sergeant Ferdinand Ian Cacatian II, kay Police Major Jaime Gonzales Jr., hepe ng Vehicular Investigation and Traffic Section (VITS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-6:37 ng gabi nang mangyari ang insidente sa naturang lugar.

Nabatid sa imbestigasyon, habang tinatahak ni Fulinara at angkas nitong si Pilapil, ang nasabing lugar nang mabundol ang tumatawid na biktima.

Bunsod nito, tumilapon ang biktima na isinugod sa Tondo Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival.

Kapwa nasugatan naman sina Fulinara at Pilapil nang sumemplang ang motorsiklo. (RENE CRISOSTOMO)

 

28

Related posts

Leave a Comment