GRASS FIRE SA NAIA-3  IKINAALARMA NG PAMUNUAN

naia15

(NI FROILAN MORALLOS)

NAALARMA ang pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa grass fire Huwebes ng umaga sa may NAIA terminal 3 na nag resulta ng makapal na usok at umabot sa mahigit sa isang oras.

Ayon sa Media Affairs Division (MAD) ng Manila International Airport Authority (MIAA) nagsimula ang sunog dakong alas 8:55 ng umaga at napula ito ng airport fire department bandang alas 10:23 ng umaga.

Ayon sa impormasyon, nakatanggap ang MIAA fire department ng ulat na may sunog dakong alas 8:55 ng umaga at agad nagdispatsa ng apat na firetrucks sa lugar.

Base sa unofficial report na natanggap ng MAD,  ang sunog ay nagmula sa  tagas na langis mula sa grass cutting equipment sa labas ng perimeter fence ng NAIA at ito ay pagaari ng ng private company na balak tayuan ng isang cargo terminal malapit sa NAIA terminal 3.

Ayon sa MAD walang na apektuhang mga flight  sa domestic maging sa International operations sa pangunahing paliparan ng bansa.

74

Related posts

Leave a Comment