Ibenta ng palugi sa constituents LGUs DAPAT BUMILI NG AGRI PRODUCTS

INIREKOMENDA ng isang mambabatas sa Kamara sa national at lalo na sa local government units (LGUs) na sila na lamang ang bumili ng mga produkto ng mga magsasaka at ibenta ito ng palugi sa mga consumer.

Ito ang nakikitang solusyon ni House Deputy Minority Leader Carlos Zarate imbes na magpatupad ng price freeze ang gobyerno na posibleng indahin naman ng mga producer lalo na sa livestock.

Ginawa aniya ito ng mga LGU at national government noong unang bahagi ng lockdown dahil sa pandemya sa COVID-19 kaya hindi tumaas ang presyo ng mga gulay at iba pang agricultural product.

“The LGUs would then sell it to consumers at a subsidized rate. Similar mechanisms may also be done now as prices of basic goods, especially food stuff, are rising,” dagdag pa ng mambabatas.

Maaari umanong gamitin ng national at local government at Quick Response Fund (QRF) na nagkakahalaga ng P6.37 billion para matulungan, hindi lamang ang mga magsasaka kundi lalo na ang mga consumer.

“This is better than the recommendation of the Department of Agriculture for another round of price freeze for hogs and poultry because such a move would have a negative effect on local farmers and groups who are still reeling from the economic effects of the pandemic, African swine flu and bird flu,” ayon pa kay Zarate.

Naniniwala rin ang mambabatas na kaya laging nangyayari ang ganitong sitwasyon sa bansa dahil walang suporta o hindi sineseryoso ng gobyerno ang pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura sa bansa.

Lagi aniyang nakaasa ang gobyerno sa imported goods upang pigilan ang pagtaas ng presyo ng pagkain gayung maaari itong gawin sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa mga lokal na magsasaka.

“Mistulang nagiging polisiya ng gobyerno ang pagyamanin ang mga magsasaka at negosyante ng ibang bansa at hindi tangkilikin ang sariling atin,” ayon pa sa kongresista. (BERNARD TAGUINOD)

61

Related posts

Leave a Comment