Kabataan hinikayat sa pagtatanim REP. NOGRALES PINURI TREE PLANTING NG DEPED

PINURI ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang programa ng Department of Education (DepEd) na nagresulta sa pagtatanim ng halos dalawang milyong puno sa buong bansa.

“The success of the ‘236,000 Christmas Trees’ program points the way to how we can involve our institutions in efforts to restore our country’s greenery. That it has exceeded its target exponentially shows that there are many Filipinos who are eager to do their part to help,” ani Nograles.

Ayon sa DepEd, mahigit 1.9 million trees ang kanilang naitanim sa lahat ng rehiyon sa bansa na nalagpasan ang initial target na 236,000.

Ang mga estudyante at guro sa Cordillera Administrative Region (CAR) ay nakapagtanim ng 1.1 milyong puno.

Sa isang memorandum na may petsang Nobyembre 17 noong nakaraang taon, ipinag-uutos sa lahat ng 47,678 DepEd public schools na magtanim ang bawat isa ng limang puno sa loob ng school grounds o saan mang bakanteng lote malapit sa mga paaralan.

Sa nabanggit na programa, hinikayat ni Nograles ang kagawaran na isaalang-alang na gawing regular na aktibidad ang tree planting program.

“We can consider such activities as learning opportunities for our youth, as we emphasize the role that fulfilling their civic duty can play in helping save the country from the effects of the climate crisis,” dagdag pa ng mambabatas.

Si Nograles ay kabilang sa tagapagtaguyod ng bansa sa National Greening Program at laging nangunguna sa reforestation activities lalo sa flood-prone areas sa Rizal.

(JOEL O. AMONGO)

98

Related posts

Leave a Comment