Kapag hinubaran ang artista sa social media 5-YEAR KULONG SA CYBER SURFER

MAHAHARAP sa limang taong pagkabilanggo ang mga taong nag-edit sa larawan ng ilang celebrities at ginawang hubad ang mga ito at saka ikinalat sa social media na pinagpistahan naman ng netizens.

Ito ang babala ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas kasunod ng online lewd harassment sa mga artistang sina Barbie Imperial, Sue Ramirez at Maris Racal na naging trending sa social media.

“We strongly condemn the malicious editing and spread of fake nude photos of female celebrities Barbie Imperial, Sue Ramirez, and Maris Racal. It is a testament of the deep-seated sexism and misogyny engraved in our society which sees women as mere objects of sexual pleasure,” ani Brosas.

Nagulantang ang maraming netizen nang kumalat sa social media ang mga hubad na larawan ng nabanggit na mga artista subalit lumalabas na in-edit ang kanilang orihinal na larawan.

Dahil dito, inilabas ng nabanggit na celebrities ang kanilang original na larawan na in-edit lang umano ng mga taong walang magawa sa sarili at binansagan nila ang mga ito na manyak.

“Those who are responsible for editing and spreading fake nude photos of the victims should be reminded that the use of information and communications technology in terrorizing victims is a form of gender-based online harassment and is punishable under RA 11313 or the Safe Spaces Act which contains the amendments to the Anti-Sexual Harassment Law,” ayon sa mambabatas.

Base sa nasabing batas, sinuman ang lalabag sa gender-based online harassment provision nito, ay maparurusahan ng hanggang 5 taong pagkabilanggo.

Umapela rin si Brosas kina Imperial, Ramirez at Racal na huwag matakot at gamitin ang kanilang platform para ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan na patuloy na hina-harass, hindi lamang sa personal na buhay kundi sa social media. (BERNARD TAGUINOD)

89

Related posts

Leave a Comment