Nangyari kay Kian Delos Santos naulit KASO NI JEMBOY BUBUSISIIN NG KAMARA

NAULIT kay Jemboy Baltazar ng Navotas City, ang brutal na pagpatay ng mga pulis kay Kian delos Santos ng Caloocan City.

Ganito inilarawan ni Gabriela Party-List Rep. Arlene Brosas ang kaso ni Baltazar na pinagbabaril ng mga pulis sa Navotas City matapos mapagkamalan na ito ang tinutugis nilang suspek.

“The killing of Jemboy Baltazar is a harsh reminder of how the Philippine National Police brutally killed Kian Delos Santos in 2017 under the Duterte administration’s war on drugs,” ani Brosas.

Ayon sa mambabatas, nakatakda silang maghain ng resolusyon para imbestigahan ang kaso ng Baltazar, 17-anyos, na napatay ng mga tauhan ng Police Navotas noong Agosto 2, habang naglilinis ito kasama ang isang kaibigan, ng bangka na gagamitin nila sa pangingisda.

Inamin ng Navotas police na napagkamalan lamang nila ang biktima bagay na hindi matanggap ni Brosas dahil paulit-ulit na lamang umano itong nangyayari dahil sa pagiging ‘trigger-happy’ ng ilang miyembro ng PNP.

“It is appalling that young lives are being cut short due to the trigger-happy actions of law enforcement officers. This shoot-first-ask-questions-later attitude is a manifestation of the culture of impunity in the country which continues to intensify under the Marcos Jr. administration,” ayon sa mambabatas.

Kailangan aniyang mapanagot ang mga pulis na nasa likod ng pagkamatay ni Baltazar dahil kung hindi ay uulitin pa nila ito at marami pang inosenteng mamamayan ang kanilang mabibiktima imbes na proteksyunan.

“We demand justice for Jemboy Baltazar and his family. The police officers involved must face the full force of the law. It is crucial that we put an end to police violence and ensure that the rights and lives of all individuals, especially the youth, are protected,” giit ng mambabatas.

Sa ngayon, tinanggal na umano sa puwesto ang anim na pulis na kasama sa operasyon at pinipigilan na ang mga ito sa Navotas City Police Station.

(BERNARD TAGUINOD)

173

Related posts

Leave a Comment