LEGALISASYON NG DIVORCE UMUSAD NA SA KAMARA

MALAPIT nang makamit ng inaabusong kababaihan ang kalayaan sa kanilang mga abusadong mister.

Sa kanyang sponsorship speech sa House Bill (HB) 9349 o Absolute Divorce Act, sinabi ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas na panahon na para palayain ang kababaihang ito upang magkaroon sila ng panibagong buhay.

“Legalizing divorces means that abused women to be free from their domestic situation,” pahayag ni Brosas na ang grupo ay nagtutulak na magkaroon ng divorce sa Pilipinas mula pa noong 2005.

Ayon sa mambabatas, bagama’t may mga opsyon ang mga kababaihan para makalaya sa kanilang mapang-abusong asawa tulad ng annulment, hindi ito kaya ng karamihan dahil sa higpit ng batas bukod sa magastos.

Dahil dito, umapela ang mambabatas sa kanyang mga kasamahan na huwag nang pagkaitang muli ang mga babaeng nais nang lumaya at magkaroon ang mga ito ng bagong buhay.

“An absolute divorce law is urgently necessary in marriages which have collapsed and are beyond repair, where the majority of the victims are the wives who have been subjected to cruelty, violence, infidelity, and abandonment,” ayon naman sa pangunahing may akda sa nasabing panukala na si Albay Rep. Edcel Lagman.

Sinabi ng mambabatas na tanging ang Pilipinas na lamang sa Catholic countries, bukod sa Vatican, ang walang divorce law kaya maraming mag-asawa sa bansa ang patuloy na naiipit at nagdurusa.

Sa ilalim ng panukala, maaaring maghain ng divorce ang isang mag-asawa na 5 taon nang hiwalay at wala ng paraan para maibalik ang masaya nilang pagsasama ngunit hindi umano papayagan ang sabwatan.

(BERNARD TAGUINOD)

142

Related posts

Leave a Comment