LRT,MRT BALIK-NORMAL NA 

mrt20

(NI KEVIN COLLANTES)

BALIK na sa normal ang mga operasyon ng mass railway system sa bansa nitong Martes ng umaga, kabilang ang Light Rail Transit Lines 1 (LRT-1) and 2 (LRT-2), Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), at Philippine National Railways (PNR).

Ito, ayon sa Department of Transportation (DOTr), ay matapos na matiyak na pawang ‘fit for operations’ na ang mga naturang linya ng tren.

“With structural and track inspections completed for LRT-1 (@officialLRT1), LRT-2 (@OfficialLRTA), MRT-3 (@dotrmrt3), and PNR, all lines were found fit for operations,” anang DOTr, sa isang paabiso.

Matatandaang dakong alas-5:11 ng Lunes ng hapon ay niyanig ng magnitude 6.1 na lindol, ang ilang bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila.

Dahil dito, ipinag-utos ng DOTr na ipatigil na muna ang operasyon ng mga naturang linya ng tren upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Communications Goddess Libiran, ang bilin ni Secretary Arthur Tugade ay busisiin muna kung meron bang napinsala at tiyaking ligtas muna ang buong linya bago muling patakbuhin ang mga tren.

“Ang instruction po ni Secretary Arthur Tugade kahapon right after the earthquake ay ipatigil muna ang operasyon ng ating mga linya following the NDRRMC protocol,” aniya.

Kaagad naman aniyang ini-assess ng mga safety engineers ang mga linya at nang matiyak na

walang pinsala o anumang rason para ipatigil ang operasyon ng mga tren, ay kaagad nang ipinag-utos ang pagbabalik-biyahe ng mga ito.

Nilinaw rin ni Libiran na ang bitak na nakita sa LRT Recto Station ay existing damage o dati nang pinsala at walang kinalaman sa lindol.

Nabatid na alas-5:30 ng madaling araw nang payagan ng DOTr na muling bumiyahe ang mga tren ng mga naturang mass railway systems matapos ang isinagawang structural at track inspections sa mga ito.

 

114

Related posts

Leave a Comment