MAG-UTOL ARESTADO SA FOOTBRIDGE HOLDUP

NASAKOTE ng mga tauhan ng Intelligence Section ng Manila Police District- Sampaloc Police Station 4, sa manhunt operation ang magkapatid na umano’y homoldap sa isang dalaga sa footbridge sa España Street, Brgy. 479, Sampaloc, Manila nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Jimbert, 24, at Jester Abaygar, 20, residente ng West Fairview, Quezon City.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, station commander, bandang alas-2:00 ng madaling araw nang holdapin umano ng mga suspek ang isang 35-anyos na babae sa nabanggit na footbridge at tinangay ang cellphone nito.

Ngunit pagkaraan ay sinundan ng biktima ang mga suspek at nang mamataan sina Police Staff Sergeant Teoderico Serrano Jr., Police Corporal Helgin Lorena, Police Corporal Rhaman Ignacio, at Patrolman Jino Piccio ay ipinadakip nito ang magkapatid.

(RENE CRISOSTOMO)

91

Related posts

Leave a Comment