SEGURIDAD SA AYUNGIN SHOAL PAIIGTINGIN

SINIGURO ng Philippine Coast Guard na mas lalong paiigtingin at palalakasin ang kanilang presensya malapit sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea, matapos ang bagong tensyong dulog ng mga barko ng China.

Ayon sa mataas na opisyal ng PCG, nitong nakaraang Sabado, hinarang at binomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard (CCG) ang barko ng PCG habang ini-eskortan nito ang mga charter boat na may dalang pagkain, tubig, gasolina, at iba pang suplay para sa mga tauhan ng Philippine military na nakatalaga sa Ayungin Shoal sa Spratly Islands.

Nabigo ang isa sa mga charter boat na makarating sa shoal, habang ang isa pang bangka ay matagumpay na naibaba ang kargamento nito.

Sinabi ni PCG on the West Philippine Sea Spokesperson Jay Tarriela, maaaring dagdagan ang ipadadalang barko na eeskort sa resupply missions.

“We can also consider deploying the 97-meter vessel or the 83-meter vessel for us to have a much bigger boat to support the resupply mission,” sabi ni Tarriela.

Ang Ayungin Shoal ay humigit-kumulang 200 kilometro mula sa Palawan at mahigit 1,000 kilometro mula sa pinakamalapit na pangunahing lupain ng China, ang isla ng Hainan

Nanindigan ang China na kinuha nito ang “kinakailangang kontrol” laban sa mga bangka ng Pilipinas na “ilegal” na pumasok sa karagatan nito, at sinabi nitong Lunes, na ang kanilang ginawa ay “professional and restrained.”

(RENE CRISOSTOMO)

115

Related posts

Leave a Comment