MALAKI ANG BABAYARAN SA GINAWANG ‘WATER CRISIS’

ferdinand12

Ni Nelson S. Badilla

MISMONg pangulo ng Manila Water ang umamin na malaking kasalanan ang nagawa ng kompanya sa naganap na pagkawala ng supply ng tubig sa mga lungsod na Manila Water ang magbibigay ng tubig.

Ani Ferdinand dela Cruz, pangulo at chief executive officer ng Manila Water, sa mga mambabatas na linabag ng kompanyang pag-aari ng pamilya-Ayala ang “concessionaire agreement” na “24/7 [water] service because the people feel it.”

Naganap ang “krisis sa tubig” mahigit isang buwan pagkatapos magtaas ng buwanang singil sa tubig ang Manila Water at Maynilad Water Services Inc. sa kanilang mga kliyente.

Noong Enero nagsimula ang umento sa buwanang singil.

Ani Dela Cruz, mayroong kaukulang parusa sa paglabag sa kasunduan nila at ng pamahalaan.

Ngunit, hindi pa naipipermis ng pamunuan ng Manila Water ang halaga ng kanilang babayaran sa pamahalaan.

Kaso, malabo ang usapin kung anong ahensiya ang magtitiyak na tutuparin ng Manila Water ang parusa sa ginawang pagtigil ng supply ng tubig sa mga nasasakupan nito, sapagkat aminado si  Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) chief regulator Patrick Ty na walang ligal na kapangyarihan ang MWSS na magtiyak na tutupad ang Manila Water sa parusang nakaatang sa nagawang pagkakamali.

Sabi ni Ty, ang nakasaad sa kasunduan ng Manila Water at Maynilad Water Services Inc. sa pamahalaan na “maaaring ibawas sa ginastos” ng Manila Water sa mga proyekto nito tulad ng water treatment facility nito sa Cardona, Rizal.

Tingin ni Ty, aabot sa 25 porsiyento ng gastos ng Manila Water sa Cardona water treatment facility ang halaga ng ibabayad ng Manila Water sa pamahalaan.

Aniya, naniniwala ang MWSS na “reasonable” at “sapat” ang 25% na siyang katumbas ng dami ng tubig na hindi nito naibigay sa mahigit 1 milyong Pilipino sa loob ng ilang araw.

Ngunit, kukuwentahin pa rin ng Manila Water ang eksaktong halaga nito.

Kamakalawa lamang binuksan ng Manila Water ang pasilidad nito sa Cardona upang madagdagan ng ilang milyong litrong tubig ang maipamamahagi bawat araw sa mga kliyente nito sa bahaging Eastern ng Metro Manila.

Isinagawa ito ng Manila Water matapos alalayan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang MWSS sa pagsasaayos ng krisis sa tubig makaraang magalit at pagsabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin ang krisis sa tubig sa loob ng 150-araw.

 

 

219

Related posts

Leave a Comment