MANILA BAY LILINISIN, ‘PASAWAY’ ISASARA

bay

IPASASARA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga establisimyento sa paligid ng Manila Bay na mapatutunayang nagtatapon ng basura at dumi sa Manila Bay.

Inatasan ng Pangulo sina Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano at Environment Secretary Roy Cimatu na linisin ang Manila Bay sa madaling hinaharap.

Nararapat na umanong linisin ang Manila Bay dahil patay na ito sa dami ng itinatapong basura mula sa mga malalaking establisimyento sa paligid nito. Kagabi ay dumalo ang Pangulo sa Barangay Summit for Peace and Order sa Pasay City kung saan sinabing hindi sila mangingiming ipasara ang simulan, malaki, kilala o maliliit na establisimyento na nagtatapon ng dumi sa Manila Bay.

Dapat ding magkaroon ng kani-kanilang waste treatment facilities ang bawat establisimyento.

‘Ibalik natin ang ganda ng Manila Bay,” sabi pa ng Pangulo. Wala rin umanong pakialam kung walang pupuntang turista sa gagawing paghihigpit dahil hindi naman umano ito ikamamatay ng mga tao.

218

Related posts

Leave a Comment