(NI JESSE KABEL)
SIMULA Biyernes ng hapon ay itinaas ng Philippine National Police (PNP) ang alerto sa lahat ng kanilang puwersa sa buong bansa kaugnay sa naganap na twin suicide bombing sa Tanjung, Indanan Sulu, na ikinamatay ng lima katao, kabilang ang tatlong sundalo.
Habang umakyat naman sa 12 ang malubhang nasugatan sa huling ulat na ibinahagi ni Western Mindanao Command spokesperson Maj. Arvin Encinas.
Sa Metro Manila, agad na nagdeklara ng full alert status si PNP National Capital Regional Police Office Director P/Mgen Guillermo Eleazar simula alas 6:00 Biyernes ng hapon.
“Although there are no threats detected within the National Capital Region but as a proactive means in response to this terror attack, the entire region is now placed under full alert status effective 6PM today,” pahayag ni Eleazar.
Nabatid na bagama’t walang validated threat na natatangap ang kapulisan partikular sa kalakhang Maynila ay inalerto ang buong puwersa ng kapulisan upang maiwasan ang mga posibleng spill over sa ibang lugar o maiwasan ang mga grupong maaaring makisakay sa insidente.
“And so I highly encourage the public to remain alert and vigilant. Report any incident or suspicious person to the nearest police station or you can reach or communicate through our NCRPO text hotlines, Globe: 09158888181, Smart: 09999018181” panawagan pa ng opisyal.
137