MGA POSTE BUMAGSAK SA BINONDO

AGAD inasikaso ng grupo ni Sonny Pascual ang bumagsak na mga poste ng kuryente sa Binondo, Manila.

NADAGANAN ang siyam na sasakyan kabilang ang motorsiklo nang magbagsakan ang mga poste ng kuryente nitong Huwebes ng hapon sa panulukan ng Ongpin at Quintin Paredes Streets sa Binondo, Manila.

Ayon sa ulat ng Manila Police District – Binondo Police Station 11, nasaksihan ng barangay tanod na si Adrian Masangkay, 44-anyos, ang insidente bandang 1:00 ng hapon.

Matapos maiparating sa Meralco, agad rumesponde ang grupo ng isang Sonny Pascual, team leader at kinumpuni ang nagbagsakang poste.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy kung may iba pang nadamay sa insidente. (RENE CRISOSTOMO)

306

Related posts

Leave a Comment