P.5-M SHABU NASABAT SA MARIKINA

MAHIGIT kalahating milyong pisong halaga ng umano’y shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa Marikina City.

Ayon sa ulat ng pulisya, tinatayang P680,000 ang halaga ng nakumpiskang shabu mula sa dalawang suspek na kinilalang sina Johara Camar, 35, at Anthony Capellan, 36, sa ikinasang buy-bust operation sa nabanggit na lungsod.

Batay sa imbestigasyon ng Marikina City Police Station’s Drug Enforcement Unit, nagsagawa ang mga awtoridad ng buy-bust operation sa Jogging Lane sa Barangay Barangka na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek at nakumpiskahan ng 100 gramo ng shabu.

Nakumpiska rin sa mga suspek ang isang cellphone, buy-bust money, isang puting Toyota Vios at isang asul na motorsiklo.

Nakapiit na sa Marikina City Police Station custodial facility ang mga suspek na sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (KNOTS ALFORTE)

129

Related posts

Leave a Comment